Mithiin sa Buhay

Mithiin sa Buhay
Sa paglikha ng mga mithiin, isipin ang iyong mga priyoridad. Maraming mithiin ang makatutulong sa ating humusay pa, ngunit sa patnubay ng Panginoon maaari nating piliin ang pinakamagagandang mithiin para sa ating buhay.

Sinabi ni Elder Oaks: “Dapat [nating malaman] na hindi sapat na dahilan ang pagiging maganda para gawin ito. Ang magagandang bagay na magagawa natin ay higit pa ang dami kaysa libreng oras natin para magawa ang mga ito. May ilang bagay na mas maganda kaysa iba, at ito ang mga bagay na dapat nating unahin sa ating buhay” (“Maganda, Mas Maganda, Pinakamaganda,” Ensign o Liahona, Nob. 2007, 104).

Ang mga mithiin ay pinakamabisa kapag pinupukaw, hinahamon, at hinihikayat tayo nito. Habang gumagawa o pinagbubuti mo ang inyong mga mithiin, tukuyin mo ang gusto mong makamit, lumikha ng ilang paraan upang masukat ang iyong pag-unlad, at gumawa ng time line para makamit ito.


Ang natutunan ko sa araling ito ay:
1.“Talagang kumbinsido ako na kung hindi tayo magtatakda ng mga mithiin sa ating buhay at pag-aaralan ang pinakamainam na paraan ng pamumuhay para maabot ang ating mga mithiin, maaaring kapag matanda na tayo at nilingon o binalikan natin ang ating buhay ay makikita natin na maliit na bahagi lamang ng ating buong potensyal ang ating nakamit.”

2.Gumawa ng plano sa paghahanapbuhay,pag-aasawa.

3.Pag-aasawa at pagkakaroon ng anak ay hindi madali magsikap muna mag-aral para pangarap ay makamit.
Halimbawa:Manganganak ng wala kang pera at wala ring ipon.
❎Mangungutang ng pera para sa panganganak at gastos sa ospital.
✅Dapat ay nagtrabaho muna at magkaroon ng savings para may ipon.

4.Sa paghahanapbuhay ay kailangan may plano rin.Hindi  basta-basta kumikita ka lang ng pera dapat iniisip din ang kaligtasan ng customer lalo na ngayong pandemya,kalinisan,kalidad ng mga produkto,tamang Personal Protective Equipment (PPE).

Popular posts from this blog

Hirarkiya ng Pagpapahalaga

Pagpapahalaga