Hirarkiya ng Pagpapahalaga
Hirarkiya ng Pagpapahalaga
Ayon sa isang kilalang philosopher na si Max Scheler, mayroong apat na hirarkiya ng halaga.
1 . Pandamdam na Halaga (Sensory Values)
Ito ang pinakamababang antas ng pagpapahalaga
Dito sinasabi na may nadudulot na kasiyahan ang mga materyal na bagay sa tao.
Halimbawa nito ang mga pangunahing pangangailangan gaya ng damit, pagkain, bahay maging ang mga gusto o luho lamang gaya ng mamahaling gamit, pagpunta sa mga pook pasyalan.
2. Pambuhay na Halaga (Vital Values)
Ito naman ay may kinalaman sa mabuting kalagayan ng isang tao o ang kanyang well-being.
Halimbawa nito ang pagpapahinga, pagbabawas ng stress at pagkain ng wasto at nasa oras.
3. Ispirituwal na Halaga (Spiritual Values)
Pangalawa sa pinakamataas na uri ng pagpapahalaga. Ito ay tumutukoy sa pagkakalat ng kabutihan, hindi lamang pansarili kundi para na rin sa nakararami.
Halimbawa nito ay ang pagbibigay ng kapayapaang panloob sa isang taong nababagabag o pagdadasal sa mga taong nahihirapan sa kanilang sitwasyon.
4. Banal na Halaga (Holy Values)
Ang pinakamataas na uwi ng pagpapahalaga
Sinasabi na ito ang pinakamataas dahil sa oras na maabot natin ito ay nagiging handa na rin tayo sa pagharap sa Diyos.
Halimbawa nito ay ang pagsasabuhay sa kanyang salita at pagsunod sa kanyang mga utos
Ang natutunan ko sa araling ito ay:
Una, mas nagtatagal ang pagpapahalaga,mas mataas ang pwesto nito sa hirarkiya.Halimbawa,ang halagang kasiyahang pangkatawan ay nagtatagal lamang hanggang nararamdaman ang kasiyahan,samantalang ang halagang pangkaisipan ay nananatili kahit pagkatapos mawala ang sirkum.
Pangalawa,kung mas mahirap bawasan ang kalidad ng pagpapahalga habang nahahati ang may taglay nitoo kaya habang mas mahirap dagdagan ang kalidad ng pagpapahalaga habang lumalaki ang may taglay nito,mas mataasang pagpapahalaga.
Pangatlo, ang mas mataas na pagpapahalaga ay nagiging saligan ng mabababang pagpapahalaga.
Pang-apat,may tunay na ugnayan sa pagitan ng ranggong pagpapahalaga at ng lalim ng kasiyahan mula sa pagtatamo nito.Sa ibang salita,mas malalim ang kasiyahang kaugnayan sa pagpapahalaga,mas mataasang pagpapahalaga ng ito.
Panlima,mas kaunti ang pag-uugnay ng pagpa-pahalaga sa may taglay nito mas mataas ang pagpapahalaga.Halimbawa,ang halagang kasiyahan ay laging kaugnayan ng mga bagay napisikalo sekswal.